Mga Panalangin

Panalangin sa Alas Tres ng Hapon

Pumanaw Ka, Hesus, 
subalit ang Bukal ng Buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at ang Karagatan ng Awa ay bumugso para sa sanlibutan. 

O Bukal ng Buhay, Walang Hanggang Awa ng Diyos, yakapin Mo ang sangkatauhan at ibuhos Mong ganap ang Iyong sarili para sa aming lahat.

O Banal na Dugo at Tubig,
na dumaloy mula sa Puso ni Hesus, bilang Bukal ng awa para sa aming lahat. ako ay nananalig sa Iyo.

Banal na Diyos, Banal na Puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang Hanggan, maawa po Kayo sa amin at sa buong sansinukob. (ulitin ng 3 beses)

Amen.

O Hesus, Hari ng Awa,
kami ay nananalig sa Iyo!

 

—————————————————– 

Devotional Prayers 

(3pm, 6pm, 12 midnight,3am, 6am, and 12 noon)

Dasalin ng 3 beses:

Ama Namin
Ama namin, sumasalangit Ka,Sambahin ang ngalan Mo.Mapasaamin ang kaharian Mo.Sundin ang loob Modito sa lupa, para nang sa langit.Bigyan Mo kami ngayonng aming kakanin sa araw-araw.At patawarin Mo kami sa aming mga sala,para nang pagpapatawad naminsa nagkakasala sa amin.At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,kundi iadya Mo kami sa lahat ng masama.Amen.

 

Aba Ginoong Maria

Aba, Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat, At pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos,Ipanalangin mo kaming makasalanan, Ngayon at kung kami ay mamamatay. Amen.

Luwalhati sa AMA
Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman, At magpasawalang-hanggan. Amen.

Ave Maria Purisima (3x)

—————————————————– 

Ang Chaplet ng Mabathalang Awa (Divine Mercy)

Panimulang Panalangin (Opening Prayer)

Namatay ka, Hesus subalit ang bukal ng buhay ay lumagalas para sa mga kaluluwa at ang karagatan ng awa ay bumugso para sa sanlibutan.

O bukal ng buhay, na walang Hanggang Awa ng Diyos, balutin  mo ang sangkatauhan at ibuhos mong ganap ang iyong sarili para sa aming lahat.

O banal na Dugo at Tubig na lumagalas mula sa Puso ni Hesus bilang Bukal ng Awa para sa aming lahat, ako ay nananalig sa iyo.(3x)

“Dasalin sa rosaryo ang mga sumusunod: sa umpisa, isang AMA NAMIN, isang ABA GINOONG MARIA, at isang SUMASAMPALATAYA AKO.”

“Dasalin din sa 6 na butil ng ‘Ama Namin’:
         Ama na Walang Hanggan,
         Iniaalay ko po sa Iyo ang Katawan at Dugo,
         Kaluluwa at Pagka-Diyos ng Kamahal-mahalan
         Mong Anak na si Hesukristo,
         na aming Panginoon at Manunubos,
         Para sa ikapagpapatawad ng aming mga sala
         at sa sala ng buong sansinukob.

 

“Dasalin sa 53 na butil ng ‘Aba Ginoong Maria’:
Alang-alang sa mga Tiniis na Hirap
at Kamatayan ni Hesus
Kaawaan Mo po kami
at ang buong sansinukob.

“Sa pagwawakas, dasalin nang 3 ulit ang ‘Trisagion’:
Banal na Diyos,
Banal na Puspos ng Kapangyarihan,
Banal na Walang Hanggan,
Maawa po Kayo sa amin
at sa buong sansinukob.
Amen.

Pagsasarang Panalangin (Closing Prayer)

Walang Hanggang Diyos, na ang awa ay walang katapusan at ang kabang-yaman ng habag na di maubos-ubos, masuyong tingnan po kami at palaguin niyo po ang awa sa amin, nang sa mahihirap na sandali ay maaring di kami panghinaan ng loob, o kaya’y malupaypay, kundi ng may malaking pananalig isuko ang aming sarili sa iyong banal na kalooban, na siya ring pagibig at awa din. Siya Nawa.

  

Our Story

At Kapatirang Divine Mercy, we share the heartfelt journey of Apo Conching and the miracles touched by the Holy Spirit.