
Racquel Hsu
(Taoyuan, Taiwan)
I am Racquel Hsu, Filipina married to a Taiwanese. My husband Rod and I were gifted with three lovely kids: my daughters Daisy and Nicki and my son Jasem. The 3rd day of 2006 was the darkest day of my life, that’s the day my 2 year-old Jasem was diagnosed with Hepatoblastoma (a very rare childhood cancer). During that time, a very large tumor (about 13 cm in diameter) and other small tumors that surrounded Jasem’s liver were revealed in scans. For 7 months, my son’s little body took 10 sessions of chemotheraphy. Many times of chemotherapy made my son weak and so thin, it’s really heart breaking for a mother to see her child under all those angsts and pains. I swear, those were the longest months of my life, and I thought it would never end after our oncologist told us that the 10 times of chemotherapy didn’t work as expected. The chemo drugs killed the cancer cells but it didn’t make the largest tumor shrink down to at least half it’s initial size.
So, instead of just a resection, our doctors told us that our son will need a liver transplant for him to survive for longer. My husband and I will do anything for our child to live, even sharing our liver to him. Liver transplant is a risky operation. I really prayed hard to God for me to be ready to take the risk. Rod and I thought that liver transplant was really the only way to save our son’s life so we agreed to it. August 2006, Rod and I were already undergoing series of scans and tests for the transplant team to choose which one of us is the best possible living liver donor for Jasem. In between procedures… we were given the signs that transplant is not on the MASTER’s PLAN. It was still August when Sophia’s mom, a friend I’ve known through internet, shared the healing miracle that happened to her daughter Sophia. The moment she told me about Apo Conching, I knew right then that God doesn’t want Jasem to undergo the transplant.
After I talked to Cathy (Sophia’s mom), I asked my mom to go to Paligue, Candaba, Pampanga and look for someone named Apo Conching. When my mom meet Apo Conching, she showed Jasem’s picture and asked Apo if she can help Jasem. After their meeting, my mom told me that Apo wanted to talk to me so I made an overseas call from Taiwan to the Philippines the next morning. Apo told me that I must bring Jasem to her. That time, it was impossible for me to go home because I was processing my Taiwan ID, I was “stateless”, no passport, and wasn’t sure if I can avail one. I told her my situation and then the HOLY SPIRIT (through Apo Conching while we’re talking over the phone) told me that if it’s not against God’s will that my son will be healed completely through her… Jasem and I will be in the Philippines by last week of September OR first week of October. While processing my passport, there were problems that seemed to be blocking our way like mix ups on my documents and the sudden ceasing of the most convenient flight (Taipei-Subic) that Jasem and I was supposed to take. We weren’t able to take any flights from the last week of September. I prayed hard and my prayer was heard ‘cos we were able to fly exactly last day of the first week of October. I was so happy and even cried thanking God that we made it. According to the HOLY SPIRIT, that’s the sign that my son will be healed.
I can still remember everything that happened to me and Jasem during our 3-week stay in Paligue… how Jasem’s tummy changed, it was tough when we arrived there but felt soft the second day… how the tumors come out along with his poops for some times… how I listened to the HOLY SPIRIT’s messages to me… how I witnessed daily miracles in front the small altar of the Divine Mercy… how I felt peace and forgiveness… there’s a lot that I wanted to share about what happened to us in Paligue.
God is Good all the time! How he turned the tumors into poops… that’s a big WOW!!! It’s more than a blessing. In 2026, Jasem is 22 years old, a healthy young man who shows deep love and respect for his parents.

You are worthy to be praised, Oh God! Almighty Father, all praise and glory to you! I thank you for giving us Apo Conching to gather us all together, your children, back to Your arms again when we are lost. It was the best decision I made in my life, I didn’t stop believing. I always know that during those hardships, God’s been with me all the time. He never gave a load that I can’t handle… I always know that He’s just trying to bring out the best in me.
With the wisdom granted to me by God the Father, I created this website because I know in my heart it is a way to share His great mercy with all His children. As a web designer for many years, I can truly say this is the work that brings me the most joy. In life, we can choose to dwell on anger and pain that weigh us down, or we can choose to heal, forgive, and rise above. Let us choose forgiveness, just as the Father forgives us each time we stray from His guidance. DON’T STOP BELIEVING! HE IS WITH US ALWAYS!
Humbly With The Love And Peace Of Christ Our Lord, Racquel.

Edith Reyes
(Bulacan, Philippines)
Nagpapakilala sa akin ng Espiritu Santo sa katauhan ng kanyang kinalugdan, Apo Conching pangalan. Taong 2008 pasyente pa lang ako nung panahon nayaon sapagkat di nawawala sa pandinig ko ang tinig ng Mahal na Apo na umaawit. Pinanabikan ko ang mga salitang banal sa katauhan ng Apo Conching. Isang araw, maaga ako pumaroon at nakaramdam ng pananakit sa aking tiyan. Sobrang sakit, nakadukdok ako sa upuan, umiiyak sa pananambitan sa kanya habang may naririnig akong tinig. Ang Mahal na Apo Conching may hinahaplos siya na di ko namamalayan, naparam ang sakit ng tiyan ko. Kaya nagtungo ako sa adoration room, nanalangin at nagpasalamat sapagkat naparam ang sakit. Paglabas ko, nasalubong ko ang Mahal na Apo sa may gitna ng dambana. Sabi ko, “Kanina po masakit subalit ngayon wala na po.” Tugon niya, “Pinatatatag ka lamang niya sapagkat may misyon ka.” Nang natapos na ang gawain, dumulog po ako at ang sabi ng Mahal na Apo, “Sapat na ba ang pananampalataya mo?” “Opo,” tugon ko. “Kung magkagayon, uminom ng isang basong tubig bago matulog at isang baso pagising. Makakapitong baso ka.” Gayun nga po ginawa ko. Tunay na tunay na ang Apo Conching ay ginagamit ng Banal na Espiritu Santo. Nang magtungo ako sa dambana kinabukasan, nang umihi ako may lumabas sa akin na bato, maputi na sinlaki ng bigas, parang asin at magalas ito. Buhay ang Diyos sa pamamagitan ng pitong basong tubig na tinuran ng Banal na Espiritu sa katauhan ng Apo Conching na may kalakip na panananalig at pananampalataya, binigyan ako ng kagalingan. September 24, 2008 hinirang ako bilang isang alagad.
Taong 2008, nang maaksidente ang aking anak, tatlong araw siyang walang malay. Nang magising ito, di kami kilala, nagka-amnesia siya. Bale ang buto sa may pisngi niya, ₱90,000 ang hinihingi sa amin ng doktor para sa bakal na ikakabit sa kanya. Nang lumabas kami ng ospital, di siya nakakalakad, nakakasalita, di nakakakilala. Dinala namin siya sa dambana kay Apo Conching. Sa pamamagitan ng banyos, haplos ng kamay ng Apo Conching habang umaawit ng mga banal na salita, araw-araw kinakausap siya ni Apo Conching. Sa loob ng siyam na araw, nakamit ng aking anak ang lubusang kagalingan. Normal na siya, nakakakilala, nakakasalita, nakakalakad. Nawala na ang bali ng buto sa mukha niya. Buhay ang Diyos, tunay na si Apo Conching nilulukuban ng Banal na Espiritu.
Buhat nang matungo ako sa dambana ng Kapatirang Divine Mercy, bilang tao naroon ang panunuri kung ano nga ba ang meron doon. Sa unang pagtapak ko pa lang sa pinto ng dambana, iba na ang nadama ko. Tuwirang bawat araw may pinapakita siyang hiwaga. Pinasilay niya sa akin kung ano at sino ang lumulukob sa katauhan ng Apo Conching: lalaking maputi, kulot ang buhok hanggang balikat, matangos ang ilong, asul ang mga mata, matangkad, habang hinahaplos niya ang isang pasyente at umaawit. Nagpakita din siya sa akin ng butas sa mga palad niya habang nakadipa at umaawit. Minsan, sa dambana ako natulog habang naglilinis kami ng dambana. Tinawag niya ako at doon binaybay niya mula bata ako hanggang kasalukuyan. Sinong tao ang makakabatid nun kung bilang tao lang siya? Kaya sadyang nagtibay ako. Batid kong di masamang espiritu ang lumulukob sa Apo Conching kundi mabuting espiritu na sa pamamagitan ng mga banal na salita na lumuluwal sa kaniyang bibig, gumagaling at nagbabago ang taong tumatanggap sa Banal na Espiritu at sa taong kinalugdan, Apo Conching.
Taong 2015, nang makaramdam ako ng sobrang sakit ng tiyan, suka ako nang suka hanggang di na ako makatayo. Ang ulo ko nakapantay na sa tuhod ko. Alas-onse ng hatinggabi, tumungo ako sa tahanan ng Apo Conching. Sinalubong niya ako at ginamot. Umalis ako sa tahanan ng Apo Conching na nakadiretso nang lumakad. Sinabihan niya ako na magpa-ultrasound daw ako, nawa ay wala daw akong bato sa bato. Nagpa-ultrasound ako, nakita nga na may bato sa bato ako, namamaga ang bato ko kaya sobra ang sakit na naranasan ko. Nilalagnat ako sa gabi, giniginaw, di makakain, bumagsak ang katawan. Isang araw, habang blessed ako ni Apo Conching, kinakausap niya ako. Habang kinakausap niya ako, wala akong nakikita sa mukha niya kundi puro liwanag lang. Ang sabi niya, “Tibayan mo ang pananalig mo upang di ka maoperahan.” At pag-uwi ko sa aming tahanan, nakakain na ako. Tatlong buwan niya akong pinainom ng dahon-dahon at pagkaraan ng tatlong buwan, pinagpa-ultrasound niya ako muli. Wala nang nakita, normal. Purihin ang Ama sa pamamagitan ng taong kinalugdan, Apo Conching pangalan. Sa haplos ng mga kamay at banal na salita, nakamit ko ang kagalingan. Patotoo ng Banal na Espiritu lumulukob sa Apo Conching.
Walang hanggang pasasalamat sa Ama sapagkat isa ako sa laksang bilang ng tao na napili niya na maglingkod. Sa dating buhay ko, di ako pala simba subalit napunta ako sa dakong yaon at naglingkod. Natuto akong magsimba, makinig ng homily, na dati yun ang ayoko. Sa pamamagitan ng Apo Conching, nabuksan ang aking kaisipan at damdamin. Tunay na Banal na Espiritu ang lumulukob sa kanyang katauhan.

Elizabeth Chico
(Bulacan, Philippines)
Divine Mercy thank you to the special person you brought to my life that i came to realize The Purpose Hidden Life thou it’s quite late considering that I might be at the last chapter of my journey… to trust God that with Him nothing is impossible.
Thank you for your way to know you deeply. Thank you to your Miracles of Healing you did to my granddaughter from Taiwan who had been to 15 doctors but her Acute Atopic Dermatities was not cured.
I also suffered from severe stomach ache and was diagnosed to have multiple liver stones.
I prayed fervently and you healed me and my granddaughter miraculously through Apo Conching.

My granddaughter travelled from Taiwan despite her condition. Apo Conching told us that if we trust God my grand daughter will be healed in seven days by merely using boiled leaves that she advised us to gather. On the seventh day it happened My grand daughter went back to Taiwan completely healed and now a professional.
My multiple kidney stones passed out through my urine when Apo Conching lightly touch using her hand my ureter part.
These are the miraculous healings that happened to me and my grand daughter by the greatest healer … our Lord Jesus Christ theough ApoConching!!!
God is really the the best doctor and a great healer!!!

Jayson Flores
(Bulacan, Philippines)
Isa po akong OFW na nagkaproblema sa medical taong 2009 na naging dahilan para hindi ako muli makapagtrabaho sa ibang bansa. Nirekomenda ng doktor na ako ay dumaan sa tinatawag na shockwave sa kidney upang madurog at mailabas ang bato sa bato at para mabigyan ako ng clearance para sa medical certificate na fit to work. Kahit hirap sa pinansyal, ginawan namin ng paraan ng aking kabiyak, umutang sa mga kaanak sa pag-asang matapos ang shockwave ay muling makakabalik sa ibang bansa at makakabayad sa pinagkautangan. Nakadalawang session ng shockwave pero hindi lumabas ang bato sa bato, hanggang sa halos mawalan ng pag-asa na muling makapagtrabaho sa ibang bansa. Hanggang may nagsabi sa amin na magpunta kay Apo Conching. May pinainom na mga nilagang dahon, sumunod ako sa pag-asang kakamtan ang kagalingan. Makalipas ang ilang buwan na pag-inom, nagpamedical akong muli. Hindi na kidney stone ang findings kundi calcium na lamang, at ako’y muling nakabalik sa ibang bansa makalipas ang ilang buwan hanggang sa kasalukuyan. Bago ako bumalik sa ibang bansa, nangusap ang Mahal na Apo na ako ay mapopromote sa trabaho. Inangkin ko ang mga tinuran niya at makalipas nga ang pitong buwan ay nakamit ko ang promotion. Kaya mas lalo at higit akong nagtiwala na totoong ang Mahal na Apo ay nilulukuban ng Banal na Espiritu.
Taong 2012, nagdalantao ang aking kabiyak sa pangalawa naming anak. Ang sabi ng midwife ay mahina ang kapit ng bata at posible itong malaglag. Dumulog kami sa Mahal na Apo at sinabihan na manalig at hindi maaaano ang bata. Buhay ang Diyos, labing tatlong taon na ang aming bunso sa patnubay at gabay ng Ama. Taong 2013, natanong niya sa akin kung kailan ako muling babalik. Ang sagot ko ay kung kailan loloobin ng Ama. Nang panahong iyon ay Abril, at ang sabi niya, “Sa paglipat ng buwan muli kang aalis.” Hindi nagkabula ang tinuran ng Mahal na Apo dahil sa buwan nga ng Mayo ay muli akong nakabalik sa ibang bansa, na kahit ako ay walang ideya na sa buwang iyon ay muli akong aalis upang magtrabaho muli.
Taong 2018, nagkaroon ng skin tag sa ilalim ng dila ang aming panganay na anak. Ang sabi ng doktor ay ooperahan, ngunit ito’y idinulog namin sa Mahal na Apo. Siya’y nangusap na panaligan, sa pamamagitan ng aksibal ito’y gagaling. Buhay ang Diyos, makalipas ang ilang araw gumaling ang skin tag sa dila ng aming panganay na anak. Ito lamang na nakalipas na December, muli kaming dumulog sa Mahal na Apo kaugnay sa aking trabaho. Muli siyang nangusap sa amin at ang sabi niya ay iyon ang pabatid ng Banal na Espiritu na ako ay muling babalik sa mababang sahod ngunit makakamit kong muli ang hinahangad na promotion. Buhay ang Diyos, sapagkat makalipas ang halos isang buwan naganap ang tinuran ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng Mahal na Apo Conching at muli kong nakuha ang pangarap kong promotion.
Hindi ko na po lahat maisa-isa ang lahat ng hiwaga na naganap sa aming buhay, sa amin ng aking kabiyak at mga anak, na napagaling mula sa iba’t ibang karamdaman, sa hanapbuhay at ikabubuhay na pinasilay ng Ama sa pamamagitan ng Mahal na Apo Conching. Isang patotoo na ang Mahal na Apo ay dinadaluyan ng Banal na Espiritu. Walang pangkaraniwang tao ang makakasilay sa hinaharap na buhay o makakakita sa maaaring maganap sa buhay ng isang tao, maliban kung ito’y dinadaluyan ng Banal na Espiritu tulad ng Mahal na Apo Conching.

Marie Cris Raymundo
(Batangas, Philippines)
Ako si Marie Cris Raymundo, taga-Batangas po ako. Paano nga ba ako nakapunta sa Paligui, Candaba, Pampanga at nakilala ko ang dinadaluyan ng Banal na Espiritu sa katauhan ng Mahal na Apo Conching. Isang apo edi ang ginamit ng Ama na taga-New Jersey na isa ding napagaling ang kanyang asawa sa katauhan ng Mahal na Apo Conching.
Nagmisyon ang Kapatirang Divine Mercy sa Batangas. Doon ko unang nakilala ang Mahal na Apo. Sunod, nagmisyon sila doon at nagpunta ako sa bahay mismo na pinagmimisyonan nila kina Lolo edi. Sunod ako nang sunod kay Apo noong time na ‘yon. Hanggang sa umalis na sila, ilang araw ko hinahanap-hanap ang mga kanta na naririnig ko sa kanya. Hanggang sa nakapunta na ako sa Paligui sa dambana noong taon 2007. Doon naging pasyente ako.
Hanggang sa tumagal na ako sa dambana, tumira sa dormitoryo ng mga Alagad. Taon 2008, nahirang na ako na Alagad at binasbasan ako ng Banal na Espiritu sa katauhan ng Mahal na Apo Conching. Di nagtagal, sa edad ko na 19, tumigil na ako sa dambana at hinarap ko na kung ano ang pinagkaloob sa akin. Noong una, di madali sa akin na malayo sa mga magulang, pero di ako pinabayaan ng Ama. Nakisama ako sa ilang Alagad na nakatira doon—sina Mami Maris, Nanay Myrna, Tita Cecil, Tay Allan.
Naging katuwang na ako ni Mami Maris sa pagluluto sa taas ng pagkain ng Alagad. At may kaganapan na di ko alam sa buhay ko na magaganap. Noong una, okay naman pakiramdam ko. Saksi si Mami Maris at ilang Alagad na akala nila katapusan na ng buhay ko—di na ako maibalik sa katawan ko. Sinundo na si Apo sa baba at sinabi ni Tita Josie: “Tulog Apo si Cris, Apo si Cris.” Sabi ni Apo noon: “Ano nga si Cris?” Hanggang sa umakyat na ang Mahal na Apo sa dormitoryo.
Nakita ko wala na akong buhay. Kinagat na kuko ko sa paa nila Tita Marie, Tita Analie Magat. At noong andun na si Apo, pinagsasampal raw ako ng malakas, di pa din ako magising. Hanggang sa sinampal ulit ako, nagising na ako. Di ko alam ang mga nangyari sa akin. Kaya salamat at papuri sa Amang Dakila—binuhay niya po muli ako.
Di lang po ‘yan. Maraming beses ako nagkaganyan—5 beses ako mulit-mulit binabalik sa aking katawan na nawawalan ng buhay. Isang tao lang nakapagpapabalik sa akin, na pinaghaharian ng Banal na Espiritu—ang Mahal na Apo Conching.
Eto ang huli sa buhay ko na di ko alam kung mapuputol binti ko. Nasa Batangas na po ako noon. Di ko sinasabi sa Mahal na Apo ang nangyayari sa binti ko. Mahigit 2 linggo akong di nakakalakad, at kung pupunta man ako sa CR noon, pagapang na lang dahil sa sobrang sakit sa hita ko. Andun yung umiiyak ka na nagtatanong kung mabubuhay pa ba ako sa sobrang sakit.

Noong time na ‘yon, sabi ng nanay ko dadalhin ako sa isang albularyo—di din napagaling. Sa doktor naman, nakonfine ako ng mahigit isang linggo pero wala din. Sa huli, nagsabi na ako kay Apo. Pinakita ko na ang binti ko. Sakto, magmimisyon siya sa Cuenca, Batangas noon. Sabi ko sa sarili ko: “Sana makalabas na ako sa ospital para mapuntahan ako ni Apo.”
Nakalabas na ako noon, at sakto misyon na sa Cuenca. Ako muna ang pinuntahan ni Apo.
Bago magmisyon, nakita ng ibang Alagad kung ano ang nangyari sa akin—ang laman ng binti ko kita na, di ako makalakad. Wala akong kinakain kundi sabaw, asin, tubig lang. Maraming bawal, nagtiis ako ng ilang buwan sa ganung pagkain hanggat sa dumating ang time na ‘yon. Nagpupuri ako sa Ama at may taong ginamit Siya.
Sino ang tao na makakapagpagaling at makakapagpabalik ng wala nang buhay, kundi ang ginagamit ng Banal na Espiritu—si Apo Conching lamang. Ang mga larawang ito ang patunay na si Apo Conching ay pinaghaharian ng Banal na Espiritu.
Kaya magtiwala, maniwala, at lubos tayong manampalataya sa Amang Dakila sa katauhan ng Mahal na Apo Conching.