Lahat ng nakakamtang tagumpay daraan ka sa mga proseso na pakikibaka, sapagkat walang tagumpay na di mo pinakibakahan ang laban, nagtagumpay ka agad.
Kaya laban ng laban hanggang magtagumpay. Bibigyan ka ng karunungan at kaalaman, ng lakas at tibay ng dakilang lumalang sa iyong buhay na pahiram.
Laban sa hamon ng buhay pananampalataya maraming sagabal, maraming pagdalisay, maraming mga tukso na humahadlang sa iyo, subalit nanalig ka sa Diyos na inaasahan at sinasamba mo di ka sumuko, pinagpatuloy mo ang pagsunod ang paglilingkod, nakamtan mo ang tagumpay.
Laban sa hamon ng pag-aaral upang makatapos ka sa kurso mong kinukuha, napakarami mong sinuong na laban sakit, minsan problema sa pamilya mo, minsan ang kahirapan ng buhay sa mga mahihirap na working student o ginagapang ng magulang kahit sa hirap na tinitiis mo rin ang kulang sa panggastos. Minsan may mga pagdalisay sa propesor na minsan ay sila pa ang magpapahina ng loob mo, subalit lumaban ka nakamtan ang tagumpay!
Laban sa hamon ng pagnenegosyo marami mang pagdalisay kung matiyaga at matiisin ka makakamtan mo rin ang tagumpay kahit sa una ay maraming pagdalisay na minsan lugi ka o flat lang balik puhunan hanggang umunlad na at may natagpuan kana na para sa iyo, bagamat napakarami mong sinubukang negosyo na bigo ka di umuunlad parang lagi ka na lang simula, ibig mo ng sumuko, subalit nilabanan mo ang panghihina ng loob mo, napalalakas ng pananalig mo, nakamtan mo rin ang umunlad ang buhay.
Sa hamon sa iyong kakayanan na inuuyam ka ng kapwa mo mahina ka sa palagay nila, wala kang karapatan sa iyong ibig kamtan, sa pagpasok sa pulitiko ayaw kang pagtiwalaan ng kapwa mo walang gusto sa iyo!
Napakaraming tagumpay na nakamtan dahil sa paglaban sa bawat hamon upang magtagumpay, subalit ikaw na matibay ang pananalig at pagtitiwala sa Ama tandaan mo may nakalaang tagumpay sa iyo kaya lumaban ka laban ng laban hanggang magtagumpay!
Sumainyo ang kapayapaan mga minamahal ko!
Nekeremeneanam.
Nekeremeneanam.
Nekeremeneanam.
Sa lupa lamang ang mga parangal at karangalan. Mas mabuti na makamtan ang kaligtasan ng kaluluwa kaysa mapahamak at mapasa apoy ng impiyerno kung ang gawa mo ay lisya sa kalooban Niya.
Hindi baling wala kang narating na naging sikat sa kapwa mo. May Diyos ka lamang na nadarama mo sa bawat pagdalisay sa buhay mo. Maligaya ang pusong inaaliw ka habang nakikibaka ka hanggang magtagumpay Siya—kasama at kaantabay, karamay mo na hindi ka iniiwan at iiwanan.
Hindi kailangang makakita ka muna ng mga himala bago ka maniwala sa Diyos na dakila. Magtiwala ka na ito’y kanyang magagawa.
“Katulad ng Kristo na sinabihang baliw, prinsipe ng mga demonyo—ikaw pa kaya, na hindi naman nagkatawang‑tao at tao ka talaga!
Huwag kang magalit, huwag kang magdamdam, huwag kang maghimagsik, huwag kang magtaka kung bakit nagaganap sa buhay mo na ikaw ay hinuhusgahan, pinagtatawanan, sinisiraan.
Kung tapat kang lingkod na alipin ng Banal na nagpaalipin bilang daluyan ng Espiritu, at hindi ka sinasaniban ng masamang espiritu, alam mo ang katotohanan.
Kaya hindi ka gaganti o magpapasakit sa kapwa mo tulad ng ginagawa sa iyo, sapagkat ayaw mong magbalik sa iyo ang gagawin mo sa kapwa tao.
Sa takdang panahon, ang tunay na Hukom na pinaglingkuran ninyo ang siyang hahatol, at mula sa Banal na Espiritu ang pag‑aatas sa inyo.
Sumainyo ang kapayapaan!
Mahal na mahal ko kayo!
Nekeremeneanam.
Nekeremeneanam.
Nekeremeneanam.
Oh mga mahal ko, bakit di pa magnilay at magbulay bulay at magtantong tuwiran yamang ang dami dami ng kaganapan na masisilayan na walang matibay na sandigan maliban ang Diyos na naghihintay sa pagbabago ng mga anak na palalo sa gawa at salita sa kapwa.
Ang Ama na matapat sa lahat ng tao na iniibig Niya.
Oh mga mahal ko, sapagkat walang matibay at matatag na titindig sa lupa kundi ang Diyos Amang dakila sa lahat ng dako ay saksi sa daigdig sa bawat anak na di nagugunita at nakakalimot sa kanyang mga mabubuting SALITA at GAWA.
Kapag nalilibang sa mga pang sanlibutang nasa at gawa na doon nasisiyahan at naaaliw.
Kapag maraming ibig makamtan at marating na pang taong kasiyahan na sila lang nasisiyahan at di nasisiyahan ang Panginoon na iisa ang Diyos Ama na sa kanyang pagmamasid Sya’y nababagot na pinahihigit ng tao ang mga bagay kaysa sa kanyang nagpapatibay ng loob, nagpapapayapa ng isip upang mapayapang mamuhay sa daigdig na panandalian lamang tatahanan bilang mga taong may hangganan ang buhay.
Ang Ama na maaari kang maglibang at magalak na di nagkakasala at nagpapagalak na di pinagkakasala ang pagpapagalak, sapagkat mabuti ang gawa ng mga totoong mga anak Niya na di nakakalimot sa kanya at di magkakasala sa tuwang dulot ng kasiyahan sa buhay na sya ang nadarama.
Sapagkat kapag nanaig ang mga pagnanasa sa pang lupa at katawan matatalo na ang pag-ibig at pananampalataya sa kanyang kapangyarihan na kaya nyang ibigay at gawin sa buhay ng tao ang makakabuti sa kanila, sapagkat magagawa Niyang posible ang imposible sa tao. Maaaring maibigay sa kanyang mga anak ang di kayang ibigay ng sinoman sa mga tao na kung sa kanya umaasa magtitiis at magbabata sa kalagayan na di magmamadali kahit pagkakasala na ang ginagawa makamtan lamang ang mga nasa at ibig gagawin nila ang ibig at nasang madaling paraan sa pagkita.
Kaya sa kapwa tao aasa at sasandig upang makamtan ang ibig kahit sa patalim kumakapit at kakapit na sila rin ang masasaktan sa bandang huli na maghihirap at masusugatan ang kalooban dahil sa maling gawa at madaling makuhang mula sa masama.
Oh kay buti ng Ama na di makilala at madama dahil sa mga nasa ng katawan ang nananaig di ibig at nasa ng Espiritu Niya na binaba sa lupa sa pamamagitan ng pagkakatawang tao na pangalang Hesus na anak isinugo sa mga tao upang makilala Siyang lubos ng mga kikilala sa pagpapakilala ng Anak na inialay sa mga anak Niya.
Oh kay buti ng Ama napakahiwaga Nya.
Kay rami ng nagaganap ang ibig pa rin ng tao manaig at maghari ang kanilang karunungan at kakayanan na may kapangyarihan bilang mga tao lamang na kagustuhan.
Ibig paghariin ang pagkatao ng maraming mga ang pinaglalaban ay karapatan nila at katwiran at di ang karapatan ng Ama na di nila nagunita ang bawat naglalaban laban mawawala sa lupa.
Subalit Siya kailanman ay di mawawala maging kanyang mga GAWA at SALITA na walang kamatayan at walang pagkabula sapagkat Siya’y Diyos na di man nakikita nakikita Niya ang lahat ng nagaganap sa lupa at mga gawa ng tao at naririnig ang kanilang mga salita, nababasa ang laman ng kanilang isip talastas ang mga loob.
Subalit bakit nga di mapagnasahang pagtuunan ng pansin ng marami na sinasabing sumasamba at sinasamba, nagsasabi ng Panginoon at Diyos ko, subalit di nadarama sa puso kundi sa nguso nagmumula ang pagsambit ng Panginoon at Diyos ko.
Sapagkat ang nananaig ay inggit at selos na pumapatay ng pag-ibig.
Kaya di matutunan ang tunay na pagmamahal na dapat ay nadarama at maipadama sa kapwa at madama nila ng dahil nadarama ang AMA.
Magnilay at magbulay bulay mga mahal ko!
Sumainyo ang kapayapaan!
Nekeremeneanam.
Nekeremeneanam.
Nekeremeneanam.